Friday, January 30, 2009
Speech at the 4th Pahinis Festival
Lacson Moves to Toughen Procurement Law vs Blacklisted Contractors
Lacson pushed to amend the implementing rules of Republic Act 9184, where the blacklisting of a prospective contractor by a foreign agency will be enough to disqualify it from the bidding.
“Under Section 23.6(d) of the present implementing rules and regulations, a bidder is qualified to join the bidding, if it is not ‘blacklisted’ or barred from bidding by the Philippine government. We should toughen our procurement law by making a blacklisting by a foreign agency like the World Bank a basis for disqualification. This is one way to protect our procurement system from corruption,” he said.
Lacson lamented that the Department of Public Works and Highways (DPWH) allowed some World Bank-blacklisted firms to continue bidding in government projects, saying this gives the Philippines yet another black eye.
He said that even if the government invokes the implementing rule to justify the continued participation of the blacklisted firms, this will send the wrong signal to the world that the Philippines tolerates – if not encourages – corruption. “This is especially glaring considering that one of the contractors who was blacklisted but still allowed to bid has been shown to be close to very powerful personalities,” he said.
During the Senate hearing on alleged collusive practices among contractors that marred World Bank-funded projects, Lacson cited entries from an appointments book of First Gentleman Jose Miguel Arroyo showing Atty. Arroyo met at least 20 times in 2002 alone with Eduardo de Luna – a contractor who along with his firm the World Bank permanently barred from bidding for WB-funded projects.
On the other hand, he said the Ombudsman should be taken to task for sitting on the case of the Filipino contractors blacklisted by the World Bank.
Documents reaching Lacson showed the World Bank transmitted its findings to the Department of Finance (DOF) on November 16, 2007. The DOF forwarded this report to the Office of the Ombudsman on November 19, the next working day. “Had the Ombudsman performed her task, the firms could have been blacklisted and the story would have been different,” Lacson said.
Also, Lacson said this should be all the more to continue hearings on the mess involving World Bank-funded projects, “with or without eyewitnesses” to a P70-million bribery attempt in April 2003.
“There is now more reason to continue the hearings instead of terminating the same since there is an obvious flaw in this provision of Republic Act 9184. Besides, we should not be insensitive to the findings of the World Bank. It will be our own misdoing if we ignore the same,” he said.
o0o
Wednesday, January 28, 2009
Lacson Bill Lets People Monitor Budget Process
Monday, January 26, 2009
Lacson Seeks Senate Probe of P12.5-B SSS Funds for Stimulus Plan
Sunday, January 25, 2009
Lacson Bares Scheming, Scamming in Budget
Monday, January 19, 2009
Lacson Will Hear Ethics Cases Simultaneously
Wednesday, January 14, 2009
Random Drug Testing Should Help Curb Drug Menace
Peralta Went Through the Proper Process
Lacson Throws Full Support Behind Chief Justice Puno
Monday, January 12, 2009
Sen. Lacson's Interview on Pasada 630, dzMM (January 10, 2009)
Q: May balak po ba kayo tumakbo sa 2010?
A: Tama, may balak ako pero wala pang decision.
Q: Kailan kayo magdedesisyon?
A: May mga factors kasi. Siyempre lahat na nababanggit namumustura pero sa takdang panahon may factors na iko-consider, (tulad ng) opportunity at ang tinatawag na resources, or organization. Kasama na yan. Hindi lang ang intention tumakbo o lumahok ang kinokonsiera ko, pero marami pang iba.
Q: Tumakbo kayo noong 2004.
A: Tatapatin ko kayo. Ang malaking balakid, resources. Ang ibang binanggit na tatakbo, puno sila ng resources. Wala akong pork barrel, advocacy yan (at) talagang hindi ko gagamitin yan maski ma-deny ako ng resources at pakikisama ng local government units.
Q: Nag-e-expose kayo ng corruption, may mga kaso pa bang darating?
A: Hanggang hindi natatapos ang corruption, hindi natatapos ang expose. Ang pinakamalaking problema ng bansa, ang gobyerno. Kung tinama ang gobyerno matatama ang buong bansa. Kung ang gobyerno at ang namumuno mismo ang nagnanakaw (sa) bayan kaya malakas ang adhikain ko laban sa corruption, ito ang kumikitil sa buhay ng ating bansa. Ang budget, kung paglalaruan at sasamantalahin, ang P1.415-trillion budget sa 2009, kung ito hindi iayos ang pag-allocate ng resources, maski ang paggamit, hindi tama sa dapat puntahan, maswerte na tayo kung 40 to 50% lang ang mapupunta sa dapat puntahan. You can just imagine ang pork barrel ia-allocate sa paggawa ng kalsada, ang kontratista walang pag-aabonohan kung magbibigay sa mayor, sa DPWH, COA, sa DBM. Bilangin ninyo kung magkano ang maiwan kay Juan dela Cruz na dapat silbihan. Substandard kasi walang pagkukunan ang kontratista.
Q: Ang kaso ng subdivision road ni Sen. Villar?
A: Pwedeng tulay, iskwelahan o infrastructure o social services, o gamot ... ang textbook ganoon din. Ang fertilizer ghost pa.
Q: Walang exception?
A: Sa nakikita natin.
Q: Wala na bang malinis na ahensya?
A: May departamento siguro na exception pero kilala natin kung ano ang department na talamak sa katiwalian. Kita ng mga mata natin na tumutulo ang bubong ng iskwelahan, lubak-lubak ang mga kalsada, ang tulay bumabagsak agad. Walang napaparusahang kontratistang pwedeng tumuro.
Q: Ano ang unang dapat gawin?
A: Dapat i-correct ang government.
Q: I-correct dapat ang gobyerno. There are only 1.5 million government officials and employees. Kung tinama natin ang governance from bad to good, ang 88.7 million Filipinos, susunod. Kaya hindi sumusunod ang population at large, ninanakawan sila ng dapat nila sundin. Ako very clear ang vision ko kung paano suplin ang problema. Gobyerno ang problema. When you correct government you will be able to solve a lot of problems in this country.
Q: Paano ninyo gagawin iyan?
A: Kasi ang government employees, subject sa administrative sanctions. Ang presidente, sa Pilipinas ang presidente napaka-powerful. Dito sa Pilipinas, napakatibay ng poder ng pangulo. Kung magamit ito sa pag-correct ng tiwaling opisyal marami ang pwedeng gawin. At hanggang hindi pa naitutuwid ang asal pagka namumuno, pinapayagang magnakaw sa ilalim, lahat magnanakaw. Leadership by example. Yan ang basic. Hindi pwedeng pinuno ng ahensya o pangulo sasabihan ang subordinate na huwag magnakaw pero kung ang mismong pangulo at malapit sa pangulo ang nangunguna sa pagnanakaw, do you expect ang mga subaltern na sumunod? Hindi eh.
Q: Martial Law na ba ang kailangan?
A: Ang ima-Martial Law, ang gobyerno, hindi ang tao. Kasi ang taong gobyerno subject to administrative sanctions, hindi lang criminal aspect ang pwedeng ituwid kundi pwedeng i-suspend, i-discharge, marami, pero hindi ginagawa kasi naging talamak, nagsimula sa itaas ang pag-commit ng katiwalian. Kung hindi ganyan ang situation maraming career official na matino. Sa COA, maraming matino. Kaya lang nafu-frustrate sila. Halimbawa sa COA, sa fertilizer scam halos nagtatawanan kami kasi helpless sila sa situation. Sino lang ang pwedeng mag-disburse ng P728 million? Hindi ba Malacañang lang? Ang puno’t dulo, hindi pwede gawing accountable. Pero kung ang puno can account for his or her action, palagay ko maraling pasunurin ang sa gobyerno kung nakita ang sinusundan at susundin tama ang ginagawa. ... Kaya dapat magsimula sa taas. Leadership by example. Without it, down the line, yung pinuno ng department o bureau o maliit na branch sa ahensya, leader din yan. Pero dapat magpakita ng magandang ehemplo ang leaders. Noong Chief PNP ako, I led by example (kaya) wala silang reason para hinddi sumunod sa akin.
Q: Pag nandoon ka na kinakain ka ng sistema.
A: Totoo yan. Pero nasa iyo ang lahat na power. At papasunurin mo naman hindi ang 88.7 million Filipinos, ang pasusunurin mo 1.5 million government employees, mas madaling i-manage yan kesa sa ima-Martial Law mo ang Pilipinas, hindi yan ang solution. Sa akin ang ima-Martial Law ang gobyerno, ang taong gobyerno. Covered sila ng rules and regulations, civil service law, at administrative procedures.
Q: Kamusta na ang budget?
A: Naghain ako ng motion noong unang meeting ng bicameral conference committee, adopted ito unanimously. Ang budget dineliberate sa Senado na may media at may gallery, bakit tinatago sa bicameral conference committee? Kaya ginawa ko unang meeting for the 2009 budget naghain ako motion we should not keep it from the public view. Dapat bantayan ng media at taong nakakaintindi ng budget. Sino ang nag-insert, sino ang nagdagdag ng pork, sino ang may interest? Itong budget nagbawas ng P14.7 billion sa interest payments ang House. Pagdating sa Senate nagbawas pa ng P10 billion, pero may pinaglagyan. Saan ito napunta? Dapat manood kayo, kung sino ang representative ninyo sa Senate and Congress para maintindihan ng publiko. ... Pinagaralan ko. P14.7 billion sa House. Pag binawasan mo debt service lalaki ang deficit, it doesn’t make sense. Out of the P14.776 billion for debt service, nagbawas uli ng P3.5 billion galing sa miscellaneous personnel fund. Nagbawas uli P1.6 billion from DAR. So ang total P19 billion, almost P20 billion. Ang debt servicing P14 billion sa Senado, may P10 billion pang binawas. Saan ito napunta? Sa DPWH, P8.1 billion. Bakit DPWH? Infrastructure. Bakit infrastructure? Yan ang gagagamitin sa election. Another P3.5 billion, napunta sa LGU. Bakit? Election na naman ... Ano iyan? Ito dapat maliwanagan sa deliberation at hindi sa amin lang. Ang nangyayari sa bicameral conference committee bulungan lang. Hindi ko papakialaman ang in-insert mo, huwag mong pakialaman ang in-insert ko. Ang talo ang taxpayer. Kayo, may withholding tax kada 15-30 babawasan ang tax ... E pag nakakarinig ka P8.7 billion napunta sa public works di ba nakakasama ng loob? Kinontak ko ang mga advocacy groups, pumunta kayo pag naka-schedule ang bicameral conference committee, pumunta kayo. Pag nandoon ang media palagay ko open ang discussion. Walang magbubulungan. Itong budget nga ang dugo ng bayan eh. Lahat yan dadaan sa motion. Pag mag-amend ka at sa disagreeing provisions, open. Hindi pwede ang tago. Ako member parati sa bicameral conference committee. Bukod sa main group nandoon lahat na members, may small group na papasok sa maliit na kwarto at maguusap-usap. Pero kung open lahat ito, nandoon ang kung sino ang gustong pumunta, palagay ko mahihiya ang kongresista at senador. Kaya ang mga ko-cover pag tumawag ng meeting ang bicameral conference committee, sana punuin ninyo ang lugar, bantayin ang deliberation. At kung mag-take notes, malalaman natin sino ang malakas humataw sa insertion. P200 million na ng (ang pork) sa senador, P70 million sa congressman, sa iba di pa kasya, hahataw pa.
Q: Ang mga pulitiko, mga commission na hinihingi 40%...
A: Ang 20% maliit, ang iba aabot ng 60%. Kung ang tulay na P10 million, hihingi ang legislator ng 40%, nawala agad ang P4 million, P6 million na lang sa project. At magbabayad ng VAT ang contractor, minus 12%, hihingi pa ang mayor ng building permit, hanggang sa barangay at NPA. Anong maiiwan sa project? Maswerte kung P10 million na bridge ... at ang VAT mababawasan ng commission, ang tulay babagsak sa isang taon o hindi aabot ng anim na buwan. Ganoon ang kalsada natin ngayon.
Q: Ang ibang kalsada hindi matapos ang construction.
A: Baka hindi rin matapos ang paghingi. Naghihintay ng lagay
Q: Ang iba, bubutasin ang gagawin uli.
A: Pwedeng ireklamo yan. Ang buhay ng pondo sa isang project, two years pinakamahaba.
Q: Ang iba sinasagad ng dalawang taon.
A: Iba na yan, repairs na siguro yan ... Kasi nga may kita. Kung matino ang paggawa, sandali lang, tapos na yan. Yan malaking problema natin kaya it’s about time bantayan ang budget. Pera natin yan... (Baka sa bulungan), dadadagdagan ang ibang departamento at babawasan sa iba pero nagusap sila. Magdadagdag ng P100 million pero ako mag-identify ng project.
Q: Sino ang mga senador na suportado na bantayin ang budget?
A: Meron naman. Pero pag sinabi ko kung sino lalabas ang hindi.
Q: Sa kaso ng Alabang Boys, nasasangkot ang DOJ dahil sa corruption.
A: It boils down to corruption. Ayaw natin maging judgmental pero ako naintindihan ko ang sentiment ng PDEA. Isang buwan mo ibi-buildup ang kaso, tapos nahuli mo at nariyan ang ebidensya ... ang probable cause madaling i-establish yan.
Q: Maraming hanga kay Maj. Marcelino.
A: Yan dapat ang nasa gobyerno. Despite poverty at napakalaking temptation hindi siya bumigay. Marami pang (tulad niya) pero di nilalathala. Pero maraming Maj. Marcelino sa loob ng gobyerno. Kaya mainam na pinaguusapan siya kasi ang iba nagde-derive ng inspiration sa kanya... Darating ang panahon di mo akalain ma-recognize ang credibility ng isang tao. Pinagpupurihan natin ang PDEA without casting aspersion sa DOJ, di natin nakita ang resolution.
Q: Gaano kalala ang problema ng droga?
A: 6.7 million Filipinos are users, hindi ba malala na yan.
Q: Sabi sa isang study, RP has the most number of drug users in Asia.
A: Number 1 tayo sa corrption at drugs, di ba pwedeng Number 1 tayo na maganda pakinggan?
Q: Mas malala ang Pilipinas sa China sa droga?
A: Kung numero ang paguusapan, hindi siguro tayo makalampas sa China and India. Per capita- siguro or percentage-wise siguro, mataas ang Pilipinas. Ang 6.7% of 88.7 million, how many among 1.4 billion Chinese or 1billion Indians? Kung numero mas mataas siguro sila pero percentage mas mataas tayo.
Q: Ang iba social user lang daw?
A: Siguro hambing sa social drinker. Pero sa drugs walang social user. If you’re a user, you’re a user, period. Siguro social drinking, kung may occasion di na kaghahanap. Sa droga di pwede social user. Kung nag-iisa ka at ikaw adik maghahanap ka.
Q: Hindi raw sila adik.
A: Kung gumamit ka, adik ka na talaga.
Q: Ang corruption sa sistema, isang dahilan ng patuloy na pagpasok ng droga sa Pilipinas?
A: Ang batas sapat naman. Binaba ang quantity na mahuli ka, 200 grams na lang ang sa shabu. Dati kilo ang pinaguusapan. Binawasan na, pinasa namin last Congress.
Q: Martial Law sa droga?
A: Malinaw ang strategy ng paglaban sa droga, demand and supply reduction, constriction of supply.
Q: Pero tuloy pa rin ang pagpasok ng droga.
A: Siguro ang Pilipinas ginawang laboratory kasi maluwag ang institution. Halimbawa ang Bureau of Customs, tapos ang haba ng coastline di matitingnan kung dadaong ang may dala ng droga. Minsan regular port pumapasok dahil sa corruption. Kung nakarinig ka ng kwento ng pulis nahuli nila, nag-file ng kaso, pero nasasalubong pala ang suspect na na-release na kasi nagkalagayan somewhere. Malaki ang frustration kaya dapat implementation ng batas ang dapat ipatupad.
Q: Mas marami bang mayaman o mahirap ang nagdodroga?
A: Depende. Ang rugby boys (sumisinghot) sa ilalim ng tulay.
Q: Kahirapan ang naguudyok sa kanila.
A: Ang iba, thrill naman. Ang iba, ecstacy, gigimik sila, enjoy sila doon at tingin sa sarili may social stature. Ang kabataan, ang thrill (ang hinahanap).
Q: May deboto ng Nazareno na maraming ex-addict.
A: At least yan nagbagong buhay.
Q: Ang iba nagdodroga para makalimutan ang problema sa buhay, ano ang pwedeng gawin?
A: Ang iba na rugby boys para makalimutan ang gutom. Mag-high sila hindi sila gutom.
Q: Pabor ba kayo sa random drug testing ng DepEd?
A: Tama yan pero aangal ang human rights groups. Sasabihin nila mag-iinfringe sa civil rights ng tao, aabalahin mo, random test ang nananahimik e di naman tumitikim ng droga.
Q: Baka rin kasi taniman sila ng droga?
A: Oo.
Q: Sa tingin ba ninyo, si Gen. Santiago is he doing a good job?
A: I think so at saka pagpili ng tao. Ang pagpili, malaking challenge. Ang Magdalo krea-release sa kulungan pero pinagkatiwalaan niya kasi may idealism sila. Kinuha niya ngayon, he was proven right.
Q: Napaganda ito sa Magdalo.
A: That’s one way of looking at it. Pero Magdalo o hindi Magdalo, yung integrity ni Maj. Marcelino immaterial kung Magdalo. Kung si Gen. Santiago nakita nila, hinuhuli pero pinapakawala (ang suspect), sa tingin mo susunod ba? Maganda ang pamumuno ni Gen. Santiago.
Q: Pabor ba kayo na irevive ang death penalty?
A: Ang death penalty malaking deterrent, kung walang death penalty, paano ang criminal sa heinous offenses? Kung may death penalty sa ulo nila, palagay ko kung magiisip ng dalawang beses nung walang DP, 10 to 20 times mag-iisip ang tao bago mag-commit ng offense ... Mainam pagusapan uli at weigh lahat na dapat ikonsidera ... Ang personal experience ko as Chief PNP, after ang Echegaray execution dinagsa ng complaints ang pulis, siguro kung may death penalty deterrent yan.
Q: Paano ang firing squad?
A: Sa Middle East, sa Saudi Arabia ginagawa nila, pinuputulan ang ulo ... Sa China sa pamilya mo dadalhin ang bill ng bala.
Q: Baka raw maging diktador ka kung manalo ka?
A: Siguro magiging diktador ako pero sa gobyerno, taong gobyerno. Kailangan patinuhin ang gobyerno para tunino ang bayan natin.
Q: Manila-Cavite Coastal Road Project matagal nang nakabinbin.
A: Matagal na yan. Taga-Cavite ako, nirereklamo pagkatagal-tagal na project, di alam ano nangyari riyan.
Q: Bakit mga citizen ang magbabantay ng budget?
A: Naghahanap kami ng katulong. Baka maisahan kayo kung kami-kami lang ang nagbabantay. After all, pera ninyo yan.
Q: Ang opposition dapat magkaisa na/
A: Ako may suggestion ako. Sinabi ni Mar na maari na sya magpakasal, kunin niyang ninong si Erap, best man si Villar at kami abay ni Loren, hehehe.
Q: Divided ang opposition ngayon.
A: Marami pang alignments and realignments na mangyayari. Hopefully ang suggestion ni Sen. Pimentel magkakatotoo. Ang nangyari sa akin noong 2003-2004 sa LDP, pinagkait ako ng fair selection process ... Dapat magusap-usap para magkaroon ng convention para piliin ang standard bearer.
Q: Maraming senador at presidentiable sinabi nila desidido na sila.
A: Marami pang mangyayari, January 2009 ngayon, May 2010 pa ang election. Malay mo magkaisa ang opposition at mamili ng isa.
Q: Ang iba marami na ang nagastos.
A: Napakaaga pa ngayon. Noong isang taon pa may nangangampanya na. Parang di magandang pangitain yan, wala pang campaign o election period, ang aga na mangampanya. May disadvantage yan. Pag nagdeklara ka lahat na gagawin mo kukuwestyunin.
Q: Mananatili ka bang independent?
A: Bilang legislator ... mas mainam kasi mas flexible at malaya mong nagagawa ang gusto mo gawin sa Senado.
Q: Kung nag-unite ang opposition sasama ba kayo?
A: Oh yes. Basta maayos, transparent and fair ang selection process at nakapili kung sinuman yan dapat suportahan namin yan kung magkaroon ng ganoon.
Q: Paano kung tumakbo si Erap?
A: Ang tanong, tatanggapin ba ng Comelec ang certificate of candidacy? Ayokong magdunung-dunungan pero malinaw ang Constitution na ang president na elected, hindi pwedeng tumakbo in any election. Hindi naman lang sa susunod na election. Any election. Nakapag-serve ka noong after 1987, covered ka, baka di pwede. Pero iwan natin ito sa expert sa Constitution. Nasabi ko lang yan, ang tanong, what if di tanggapin ng Comelec? We might be committing a violation of the Constitution.
Q: Baka maghanap ng excuse si Erap na tumakbo, paano kung nanalo na siya at hindi pa naka-decide ang Korte Suprema?
A: Paano ka tatakbo kung walang certificate of candidacy at paano ilalagay sa balota kung di ka official candidate? At ang Korte Suprema hindi gagawa ng decision kasi walang question sa batas o Constitution, hindi pa siya kandidato.
Q: Magse-settle ba kayong tumakbong VP?
A: Masyadong maaga pa, maraming alignment and realignment na mangyayari. Masyadong maaga sa ganyang specific na sagutan.
Q: Kamusta na kayo ni Sen. Villar?
A: Okay naman. Sa budget hearing hindi kami nagkikita sa floor, kasi sa budget deliberation sino lang mag-interpellate ang nasa floor. Pero kami maski may differences sa issues, mag-remain yang difference sa issue. Si Sen. Villar maganda ang personality, nakakausap nyo rin siya na hindi nyo kaiinisan. Hindi ko sinadya na natisod ko ang P200 million na nadoble, anong magagawa ko? Alangan na kung kasama ko sa Senado ipipikit ko ang mata ko at Malacañang lang? Mali naman siguro yan... Hindi ko alam na siya yan pero it turned out na kasamahan ko pala sa Senado. Pero kung tumahimik ako, double standard na yata iyan.
Q: Kung kayo si PGMA, anong gagawin ninyo in your last 500+ days in office?
A: Siguro kung ako sa situation niya na masyadong unpopular? Siguro ang pinakamaganda, isipin niya ang legacy na iiwanan niya. Mahaba ang 500 days to correct, i-correct mo nang katotohanan. Ngayon ang nangyari parang hostage siya ng kongresista, hostage niya ang mga kongresista, hostage siya ng maraming tao, hostage niya ang maraming tao. Maraming institution na nagwatak-watak dahil sa kanya, kahit ang Korte Suprema hati-hati rin. Ito mainly due sa mga pagkakamali noong 2004 election, Hello Garci, tapos kung anu-anong lumabas. Kailangan alagaan niya ang boboto sa impeachment. There was a time iniimbestiga namin ang ZTE, naalala ko si Chairman Neri, (sabi niya) there was a time he was DBM secretary, ganoon ang feeling na kaimportanteng tao, ilang beses tawagan siya ng pangulo para mag-dispense ng favors. And on the day mismo na magkakaroon ng botohan tinawag siya, ‘Dito ka sa tabi ko ... Mabilisan na, kailangan ni kongressman ng ganito bigyan mo’ ... Lumawig ng lumawig ang weaknesses at kailangang i-sustain... Ang 500 days marami siyang pwedeng gawin. Two budget years iyan para ma-correct niya at ipakita niya na, ‘ako pwedeng purihin pag-alis ko dahil may gagawin akong maganda sa ationg bansa’
Q: Inaatupag ang Cha-cha.
A: Kasama yan sa naging overprotective siya sa sarili niya, kino-cover niya ang likod niya, kasi baka pag-alis niya baka katakot-takot na kaso ang haharapin niya. But 500 days is a long time, kaya mo i-correct.
Q: Ano dapat ang i-correct?
A: Hindi ko na sasabihing magsauli. At least makita niya na from this day on pasensyahan na. Ako walang gagawing masama pero from this day forward dapat tama ang gagawin natin o kung hindi mananagot kayo. Kung consistent siya for the next 500 days palagay ko papatawad siya ng kababayan natin.
Q: Will there still be elections in 2010?
A: Kung malakas ang salungat ... Sinubukan na nila since administration ni President Ramos pero sa lakas ng pagsalungat, hindi natuloy. Ito, kung hindi nagkakaisa ang religious at grupo at sector matagal na tayo nag-Chacha.
Q: Kung mapunta lang sana sa taxpayer ang taxes?
A: Wala dapat tayong budget deficit. Ang hataw kasi sa taxpayers, doble. Sa revenue generation, sa pagbayad ng tax, may lagayan. Hindi papasok ang dapat pumasok sa Treasury. Then may smuggling, tax evasion, leakages, revenue pa lang yan. Sa expenditure side pa, kung ang buwis mapunta sa tama, budget surplus na dapat tayo. Kung napunta ang pera sa dapat puntahan ang saya na sana ng Pilipino, pwede na magbigay ng libreng hospitalization sa mahirap. Sa Canada and Australia maski sino sa pamilya mo wala kang aalahanin ... Sa atin ang pinakamalaking fear, paano ito, walang savings, kung nagkasakit ang member ng pamilya saan ka kukuha ng pera? Kung napunta sa tama, kaya natin magbigay ng libreng hospitalization. Umpisa natin ang mga nasa poverty line. Kung okay na, bawa’t citizen ng Pilipinas libre sa hospitalization at education. Pero hindi natin mabigyan kasi sa ibang bulsa lang napupunta. Kaya doble taga ang inaabot natin sa pagkalap ng buwis at paggastos.
Q: Sa Dacer case, di Dumlao at Mancao ie-extradite?
A: Umpisa 2001, nang kumandidato ako na senador I’m being hounded. But I can look you in the eye, wala akong involvement dito. I wish I could tell you more information, but I’d rather not. Pero ito isusumpa ko sa inyo hindi ko alam ito.
Q: Sinabi ninyo you welcome the extradition?
A: Kung magbabasa tayo between the lines, may statement si Dumlao, may statement sa FBI sa immigration case niya. Kung may kinalaman ako lalabas yan kahit very subtle pero sabi niya ilang beses, tinanong nila exact ang taga-PAOCTF, alam ba ni 71 or Gen. Lacson? Ang sagot sa kanila, ‘bahala sumagot ang Malacañang sa kanila.’ Walang sinasabi sa akin ang Malacañang. In the first place, assuming for the sake of discussion nanggaling somewhere ang kautusan, di ba dapat sabihin sa akin kasi ako ang pinuno? Bakit sabihin ni Dumlao bakit siya sasagutin na, bahala sumagot ang Malacañang? Whatever that means, it says a lot. At sinasabi ko rin if you read between the lines marami kang makukuha.
Q: Ginamit ang tao ninyo?
A: Hindi ko alam, ayoko mag-speculate. How many years now nang kumandidato akong senador then tumakbo ako in 2004, yan na naman. Ngayon nagkaroon ng extradition case ako naman binubugbog, ang sabi ko lang dito wala akong involvement.
Q: Maraming gusto magsumbong sa inyo, ano ang hotline ninyo?
A: May accessible ako na cell, 0918-9116573, doon pwede itext o itawag para pagusapan. Kung paano ire-report, arrange na lang namin yan ... Malaking bagay sa akin kung may magbibigay ng information sa anomalies. Sa ZTE kung di na-expose P16 billion yan na babayaran natin, yun pala $130 million lang halaga noon.
Q: (Maraming umaalis para maging OFW)
A: Ang dami na nagpupunta sa abroad kasi hindi patas ang laban. Sa Alabang Boys kung patas, dapat matagal nang convicted yan. Sa Pangandaman, bakit sa golf course may bugbugan? Sa Pilipinas, mapahusitisya maski anong buhay, hindi patas ang laban. Kaya naman gawing patas, kailangan ayusin ang gobyerno. Pag naayos ang gobyerno magiging patas ang laban dito.
*****